ANG BANYUHAY
ANG BANYUHAY
BANYUHAY
Bagong Anyo ng Buhay
Ang Banyuhay o “Metamorphosis” sa Wikang Ingles ay isang salitang may literal na kahulugang pagbabagong-anyo na kadalasang tumutukoy sa bayolohikal na prosesong pinagdaraanan ng mga hayop.
Dahil sa salitang ito, sumibol ang isang samahan ng mga batang mamamahayag na naglalayong mabago ang anyo ng buhay ng mga Scientian at bawat mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng paghahatid ng balita, impor-masyon, at mapanuring arti-kulo sa madla.
Kami ay tumitindig para sa kapayapaan, kaunlaran, at katotohanan. Kami ay tumitindig para sa bayan tungo sa bagong anyo ng buhay.
KASAYSAYAN NG BANYUHAY
Patuloy na namamayagpag ang publikasyon sa kasalukuyang panahon ngunit maging noong mga nakaraang dekada ay kilala na ang Banyuhay sa larangan ng pamamahayag. Napanatili ng nito ang pagiging boses ng mga Scientian sa loob ng halos limang dekada. Ang Banyuhay ay itinatag noong 1973 bilang opisyal na publikasyon sa Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) at ngayon ay nasa ika-48 taon na ng pagseserbisyo.
Tanyag ang Banyuhay noon pa man bilang nangungunang pahayagan hindi lamang sa Distrito 1 ngunit maging sa buong bansa. Sa katunayan, nakapag-uwi na ang publikasyon ng hindi mabilang na karangalan mula sa iba’t ibang lebel ng kompetisyon tulad ng District, Division, Regional, at National Schools Press Conference. Hanggang sa kasalukuyang panahon
ay ipinagpapatuloy ng mga mamamahayag ang pagbibigay-karangalan sa paaralan. Ika nga nila, #HakotKisay.
Nang dumating ang pandemya taong 2020 ay nagkaroon ng matinding pagbabanyuhay. Mas pinatibay ang online presence ng Banyuhay sa pamamagitan ng paghahatid ng impormasyon sa iba’t ibang plataporma online tulad ng Facebook at Twitter. Maging ang YouTube at Spotify ay naging midyum para sa broadcasting samantalang Issuu naman ang ginamit sa paglalathala ng dyaryo online.
Patuloy pa rin ang pagbabanyuhay sa kasalukuyang panahon. Sisikapin ng publikasyong ipagpatuloy ang lahat ng nasimulan sa nakalipas na 48 taon at patuloy na makiki-angkop sa nagbabagong panahon.
Para sa Scientian, Para sa bayan.
MGA KATEGORYA
Pagsulat ng Balita
Ang Pagsulat ng Balita ay isang paraan ng paghahatid ng katotohanan sa mga tao nang walang pinapanigan. Layunin ng isang manunulat ng balita ang maghatid ng napapanahong ulat sa mga mambabasa. Katotohanan at pawang katotohanan lamang ang dapat laman ng isang balita.
Pagsulat ng Lathalain
Ang lathalain ay isang makulay at malawak na pagsulat. Masasabing mo na ang tangi nitong hangganan ay kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong imahinasyon. At kung ilang mundo ang iyong mayayanig? Nasa bigat ng bawat mong kataga.
Pagsulat ng Opinyon
Isang uri ng pagsulat na kung saan ang perspektibo at opinyon ng isang manunulat ay ipinapakita. Maaari itong maisulat sa una o pangalawang panauhan at sa impormal o pormal na paraan. Ginagamitan din ito ng tahasang tinig. Maliban pa sa layon nitong magbigay ng pananaw ng isang manunulat ukol sa mga isyu sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, naglalayon din itong magbigay ng mga kapakipakiinabang na impormasyon at mga solusyon.
Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
Isang sulatin na nagtatalakay ng mga konseptong pang-agham. Lahat ng komplikado at interisadong ideya ay tinatalakay sa paraang kawiliwili at madaling maintindihan. Mas binibigyang pansin sa kategoryang ito ang pagpapaintindi sa mga mambabasa ang mga teknikal at esensyal na mga bagay na dapat maintindihan sa agham at sa mga palibot na istorya nito. Ang bawat istorya ay may iba’t ibang uri ng pagsulat kung kaya ang mga manunulat sa kategoryang ito ay maalam sa lahat ng uri ng pagsulat.
Pagsulat ng Balitang Pampalakasan
Ito ay may layuning maghatid ng balita tungkol sa kaganapan sa kalawakan ng isports, internasyonal man o lokal. Gumagamit ng mga 'sports lingos' upang gawing maaksiyon ang bawat parapo.
Pagkuha ng Larawan
Isang sining at agham ang pagkuha ng larawang pampamahayagan. Ang larawan ay sinasamahan ng kapsyon upang magbigay linaw sa mga mambabasa ng pahayagan. Layunin nitong makatulong sa balitang ilalahad na siyang nagbibigay buhay at kahulugan para sa mga mambabasa.
Paglalarawang Tudling
isang anyo ng sining na inilalarawan ng paggamit ng simbolisimo na may layuning makatulong sa tao na makabuo ng opinyon sa mga paksa't balita sa kawili-wiling paraan.
Paggawa ng Disenyo
Ang Collaborative & Desktop Publishing ay isang pampangkatang kategorya sa pamamahayag kung saan kayo ay bubuo ng isang apat na pahinang dyaryong naglalaman ng balita, editoryal, lathalain, at isports kasama ng iba't ibang kakayahang kinakailangan sa midya. Ang Collab ay ang pinakakomprehensibo at pinakakumpletong kategorya sa pamamahayag sapagkat narito ang lahat ng indibidwal na kategorya na kinakailangan upang tumakbo ang isang pahayagan.
PATNUGUTAN S.Y. 2021-2022
Gurong Tagapayo:
Elsa V. Villar
Punong Patnugot:
John Benedick S. Flores
Kapatnugot:
Janah Vianca T. Cruz
Sarah Nicole S. Gates
Tagapamahalang Patnugot:
Kyla Louise M. Ramos
Jeschel Jhoie I. Nava
Patnugot sa Balita:
Alice Angela B. Canta
Patnugot sa Lathalain:
Jeschel Jhoie I. Nava
Patnugot sa Opinyon:
Hannah Rei R. Casing
Patnugot sa Agham at Teknolohiya:
John Benedick S. Flores
Patnugot sa Balitang Pampalakasan:
Yvo Gabriel D. Asis
Patnugot sa Larawan:
Sarah Nicole S. Gates
Beatrice Amale M. Santos
Patnugot sa Dibuho:
John Aldrick P. Operario
Lauren Julliana Sison
Tagapamahala sa Disenyo:
Humphrey T. Soriano









